
Jay-R at Julie Anne San Jose’s thanksgiving concert here at Hard Rock Cafe Glorietta. @gmanetwork @myjaps @kapuso_insider

Jay-R at Julie Anne San Jose’s thanksgiving concert here at Hard Rock Cafe Glorietta. @gmanetwork @myjaps @kapuso_insider

GMA Network, Inc. is currently holding its 1st Quarter Financial briefing here at the GMA Network Center in Quezon City.
"I am really turned off by priests who bash politicians in their sermons. Who are you, Father, to cast judgment upon others? Itong pari sa Landmark Trinoma, pag nakuha ko ang pangalan nito susulatan ko talaga ito."
Please release me, let me go!
‘Yan ang sigaw ng mga damdamin nina Mark at Jennilyn sa kani-kaniyang mga karelasyon ngayon. Bakit? Kahit may mga kani-kaniyang relasyon na ngayon sina Mark at Jennilyn, hindi nila maitago ang totoo nilang nararamdaman para sa isa’t isa.

Totoo pala yung sinasabi nilang nakakaiyak magligpit ng gamit sa office cube on your last day. Hahaha. Bye bye love. :)
"Kung ang pagiging maganda ay isang kasalanan, patawarin niyo po ako."
- Diego Llorico, Comedian, Bubble Gang (in an episode of GMA-7’s Spooky Nights)
Opisyal na ni-launch kanina sa press ang bagong dramedy (drama-comedy) series ni Marian Rivera — ang “Tweets for My Sweet.”
Makakasama ng tinaguriang Primetime Queen ng kapuso network sa naturang show sina Sheena Halili, Barbie Forteza, Elmo Magalona, Roderick Paulate, Ms. Nova Villa at ang chef na love ng maraming viewers dahil sa kanyang ka-kengkoyan na si Chef Boy Logro sa kanyang kauna-unahang pagganap sa isang non-cooking show. Gaganap si Chef Boy bilang lolo ni Marian.
Game na game na sinagot ni Marian ang mga tanong ng press kabilang na kung ok lang sa kanya na makatrabaho ang kasalukuyan niyang boyfriend na si Dingdong Dantes at ang kanyang ex na si Ervic Vijandre.
Isang malutong na “Go!” ang sagot ni Marian sa tanong na iyon sabay sundot na hindi naman kasi posibleng mangyari iyon at least sa ngayon. Wala na rin sigurong thrill ang ending ng storya kung sakali kasi alam naman natin kung kanino mapupunta si Marian: kay Dingdong. Unless gusto ng sciptwriter na lagyan ng twist ang istorya pero tiyak na maraming Dong-Yan fans ang magrereact.
Mapapanood ang “Tweets for my Sweet” simula Linggo, May 6, 2012, sa GMA-7.
Dumaan man ang mga taon, hindi maikakaila na ang napakaganda at sexy na aktres na si Carmi Martin ay may asim pa rin. Kung baga sa mga beauty pageant siya ay forever reigning queen. Kaya naman tamang tama ang kanyang role sa episode ngayong Sabado ng Spooky Nights ng GMA-7 kung saan makakasama niya ang napakagandang female star ng siyete na si Isabel Daza. Kasama rin sa finale episode ng show si Bubbles Paraiso.
Sa nasabing episode, gaganap si Carmi bilang Oria, isang beauty queen na noong kanyang kapanahunan ay siyang pinakasikat sa Barangay Papaitan. Ngayon, ang anak naman ni Oria na si Mabel (Isabel Daza) ang gustong sumunod sa kanyang mga yapak. Ngunit para kay Oria, isa lang dapat ang maging beauty queen sa pamilya. Tutol man ang kanyang ina, sumali pa rin si Mabel sa Mutya ng Papaitan beauty contest at nanalo. Ngunit sa gabi ng kanyang koronasyon, may papatay sa kanya. Ang pinaghinalaan ng mga pulis ay si Pamela (Bubbles Paraiso) na matinding kalaban ni Mabel sa nasabing beauty contest.
Sa labis na pagdadalamhati sa pagkamatay ng kanyang anak, umalis si Oria sa Barangay Papaitan. Pagkalipas ng ilang taon, muli siyang bumalik sa lugar at pinasimunuan niya ang muling pagbabalik ng Mutya ng Papaitan. Ngunit sa gabi ng koronasyon, nagpakita ang multo ni Mabel. Galit na galit ito dahil aniya, siya lang ang nag-iisang reyna ng Papaitan at walang sinuman ang pwedeng umagaw ng korona niya. Paano haharapin ni Mabel ang katotohanang ang tanging korona na nababagay sa kanya ang yung may stand na korona ng patay na lamang dahil multo na lang siya? Maipapasa pa kaya sa susunod na reyna ng Papaitan ang korona ni Mabel?
Alamin yan ngayong Sabado sa Spooky Nights presents “Korona” pagkatapos ng Manny Many Prizes sa GMA-7.

Thank you GMA CorpCom sa mahigit apat na taon nating pagsasama. I will miss the kilig moments with kai and marian, the singing of hannah, the “profiling” with lendl fabella, the killer looks of ijoy, the OCness of lily, the kalikalikali of kali, the pangungulit of kuya vic about how to use his latest gadget, the duets with ghia, the RFPs of ate chat, the advices of ate jhops, the sometimes naughty jokes with sir jojo and the usually naughty jokes with boss rams, the friendship (without benefits) I share with Joreen “Marimar” Apuyan, and of course, the people who were instrumental to my being an employee of GMA — Ms. Chit, Sir Butch and Ms. Angel. I will miss the food, too. Hahahah. Maraming salamat po sa lahat lahat. I feel blessed and lucky to be a part of the GMA CorpCom family. Maraming salamat sa “booby” cake by Punky Porca. Talagang alam niyo kung ano ang makakabuhay sa katawang-lupa ko. :)

I watched TV5’s Extreme Makeover Home Edition to assess it and try to find out what the fuzz is all about. Here’s what’s on my scoreboard:
Concept: Good
Hosting: Fair
Editing: Poor
Scoring: Poor
The bottomline? Although the program has a good concept and the potential to appeal to the emotions of viewers because of the stories of its subjects, it lacks good editing (the story is too fast-paced), the scoring is overdone, and there are too many talking heads. The program moves directly to the “crying” and dramatic parts without even showing the build up process.